Si Papa León XI (2 Hunyo 1535 – 27 Abril 1605) na ipinanganak na Alessandro Ottaviano de' Medici ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 1 Abril 1605 hanggang 27 Abril 1605. Siya ay ipinanganak sa Florence. Ang kanyang ina ay anak nina Jacopo Salviati at Lucrezia de' Medici na kapatid ni Papa Leo X samantalang ang kanyang amang si Ottaviano de' Medici ay isang mas malayong pinsan ng Sambahayan ng Medici. Pagkatapos ng isang huling pagsisimula, siya ay inordinahang pari at ipinadala ni Cosimo I de' Medici, Dakilang Duke ng Tuscany bilang angkop na embahador kay Papa Pio V na isang posisyong kanyang hinawakan sa loob ng 15 taon. Ginawa siyang obispo ng Pistoia noong 1573 ni Papa Gregorio XIII, ginawang arsobispo ng Florence noong 1574 at kardinal-pari ng Santi Quirico e Giulitta noong 1583.

Leo XI
Nagsimula ang pagka-Papa1 April 1605
Nagtapos ang pagka-Papa27 April 1605
HinalinhanClement VIII
KahaliliPaul V
Mga orden
Ordinasyon22 July 1567
ni Antonio Altoviti
Konsekrasyonni Francisco Pacheco de Villena (Toledo)
Naging Kardinal12 December 1583
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanAlessandro Ottaviano de' Medici
Kapanganakan2 Hunyo 1535(1535-06-02)
Florence, Duchy of Florence
Yumao27 Abril 1605(1605-04-27) (edad 69)
Rome, Papal State
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Leo

Noong 1596, ipinadala siya ni Papa Clemente VIII bilang legato ng papa sa Pransiya kung saan si Maria de' Medici ay isang reyna. Noong 14 Marso 1605, 11 araw pagkatapos ng kamatayan ni Papa Clemente VIII, ang mga 62 kardinal ay pumasok sa konklabeng pampapa. Ang mga prominente sa mga kandidato sa pagkapapa ang dakilang historyan na si Baronius at sikat na Hesuitang kontrobersiyalistang si Robert Bellarmine. Gayunpaman, si Pietro Aldobrandini na pinuno ng partidong Italyano ay nakipag-alyansa sa mga kardinal na Pranses at sinanhi ang pagkakahalal ni Alessandro laban sa hayag na kagustuhan ni Haring Felipe III ng Espanya. Si Haring Henry IV ng Pransiya ay sinasabing gumugol ng 300,000 écu sa promosyon ng kandidasiya ng Alessandro. Noong 1 Abril 1605, si Alessandro ay lumuklok sa trono ng papa na may pangalang Leo XI kasunod ng kanyang tiyuhing si Papa Leo X. Gayunpaman, sa edad na halos 70 ay nagkasakit pagkatapos ng kanyang koronasyon at namatay sa loob ng isang buwan.

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.