Mga unang ginang at ginoo ng Pilipinas
Ang unang ginang o unang ginoon ng Pilipinas ay isang titulong kortesiya na binibigay sa punong-abala ng Palasyo ng Malacañang, ang residente ng puno ng estado at puno ng pamahalaan ng Pilipinas.
Unang Ginang/Ginoo ng Pilipinas | |
---|---|
Nagpasimula | Hilaria del Rosario-Aguinaldo |
Nabuo | Enero 23, 1899 |
Tradisyunal na hinahawakan ang titulo ng konsorte ng pangulo ng Pilipinas, at salitang ginagamit ito sa asawa ng kasulukuyang pangulo; bagaman, bihira ang kaso na ito sa mga pangulong walang buhay na asawa sa kanilang termino. Ang posisyon, na likas na nakaugalian at pandangal, wala itong opisyal na kabayaran mula sa estado.
Si Liza Araneta Marcos ay ang kasalukuyang unang ginang ng Pilipinas, bilang asawa ng ika-17 at kasalukuyang pangulo ng Pilipionas na si Bongbong Marcos.
Nang naging pangulo si Gloria Macapagal-Arroyo, ang unang pangulo ng Pilipinas na hindi balo, ang kanyang asawang si Jose Miguel Arroyo ay ang una at tanging asawa ng isang pangulo na binansagan ng titulong "unang ginoo", ang panlalaking anyo ng "unang ginang".[1]
Mga unang ginang at ginoo ng Pilipinas
baguhin# | Larawan | Unang Ginang/Ginoo | Relasyon sa Pangulo | Pamahalaan | Nagsimula | Nagtapos |
---|---|---|---|---|---|---|
1 | Hilaria del Rosario-Aguinaldo | Unang Ginang ni Emilio Aguinaldo (opisyal na kinikilala bilang unang Pangulo ng Pilipinas) |
Unang Republika (1899-1901) | Enero 23, 1899 | Abril 1, 1901 | |
2 | Aurora Aragon-Quezon | Unang Ginang ni Manuel L. Quezon | Komonwelt (1935-1946) | Nobyembre 15, 1935 | Agosto 1, 1944 | |
3 | Pacencia Hidalgo-Laurel | Unang Ginang ni José P. Laurel | Ikalawang Republika (1943-1945) | Oktubre 14, 1943 | Agosto 14, 1945 | |
4 | Esperanza Limjap-Osmeña | Unang Ginang ni Sergio Osmeña | Pinanumbalik na Komonwelt (1935-1946) | Agosto 1, 1944 | Mayo 28, 1946 | |
5 | Trinidad de León-Roxas | Unang Ginang ni Manuel Roxas | Ikatlong Republika (1946-1972) | Mayo 28, 1946 | Abril 15, 1948 | |
6 | Victoria Quirino-Delgado | Bilang kahalili ng kanyang ina, Alicia Syquia (1921-1945) sa termino ni Elpidio Quirino |
Abril 17, 1948 | Disyembre 30, 1953 | ||
7 | Luz Banzon Magsaysay | Unang Ginang ni Ramon Magsaysay | Disyembre 30, 1953 | Marso 17, 1957 | ||
8 | Leonila Dimataga-Garcia | Unang Ginang ni Carlos P. Garcia | Marso 23, 1957 | Disyembre 30, 1961 | ||
9 | Evangelina Macaraeg-Macapagal | Unang Ginang ni Diosdado Macapagal | Disyembre 30, 1961 | Disyembre 30, 1965 | ||
10 | Imelda Romualdez-Marcos | Unang Ginang ni Ferdinand E. Marcos | Disyembre 30, 1965 | Pebrero 25, 1986 | ||
Saligang-batas ng Pilipinas (1972-1981) | ||||||
Ikaapat na Republika (1981-1987) | ||||||
- | Ballsy Aquino-Cruz | Bilang kahalili ng kanyang ama, Benigno Aquino Jr. sa termino ni Corazon C. Aquino |
Ikalimang Republika (1987-Kasalukuyan) | Pebrero 25, 1986 | Hunyo 30, 1992 | |
11 | Amelita Martinez-Ramos | Unang Ginang ni Fidel V. Ramos | Hunyo 30, 1992 | Hunyo 30, 1998 | ||
12 | Luisa Pimentel-Estrada | Unang Ginang ni Joseph Ejercito Estrada | Hunyo 30, 1998 | Enero 20, 2001 | ||
13 | Jose Miguel Tuason Arroyo | Unang Ginoo ni Gloria Macapagal-Arroyo | Enero 20, 2001 | Hunyo 30, 2010 | ||
14 | Louise Araneta-Marcos | Unang Ginang ni Ferdinand Marcos, Jr. | Hunyo 30, 2022 | Kasalukuyan |
Tala
baguhin- Namatay si Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. noong Agosto 21, 1983 bago manungkulan ang kanyang asawang si Corazon Aquino bilang Pangulo ng Ikalimang Republika ng Pilipinas mula 1986-1992. Si Maria Elena "Ballsy" Aquino-Cruz, ang kanyang panganay na anak na babae, ang nagsilbing kahalili ni Gng. Aquino sa ilang mga gawaing at sumasama sa Pangulo sa mga pagbisita sa ibang bansa.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Flores, Wilson Lee (2 Marso 2003). "Who were the best First Ladies?". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Agosto 2021.
Mga panlabas na link
baguhin- List of Presidents of the Philippines Naka-arkibo 2010-06-09 sa Wayback Machine., www.gov.ph (sa Ingles)