Muntinlupa
Ang Lungsod ng Muntinlupa na matatagpuan sa timog Kalakhang Maynila, Pilipinas, mahigit-kumulang 20 km ang layo mula sa Maynila. Pumapaligid rito ang mga lungsod ng Taguig, Parañaque at Las Piñas sa hilagang bahagi, ang mga bayan naman ng Bacoor, Cavite at San Pedro, Laguna sa timog at ang Lawa ng Bay sa silangan. Hinahati ng South Luzon Expressway (SLEx) ang lungsod sa mga bahaging kanluran at silangan.
Muntinlupa ᜋᜓᜈ᜔ᜆᜒᜈ᜔ᜎᜓᜉ Lungsod ng Muntinlupa | ||
---|---|---|
Panoramang urbano sa Alabang ng Muntinlupa. | ||
| ||
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ang lokasyon ng Muntinlupa | ||
Mga koordinado: 14°23′N 121°03′E / 14.38°N 121.05°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Pambansang Punong Rehiyon (NCR) | |
Lalawigan | — | |
Distrito | — 1380800000 | |
Mga barangay | 9 (alamin) | |
Ganap na Lungsod | 1 Marso 1995 | |
Pamahalaan | ||
• Punong Lungsod | Jaime Dela Rosa Fresnedi (PDP–Laban) | |
• Pangalawang Punong Lungsod | Artemio Simundac (PDP–Laban) | |
• Manghalalal | 311,750 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 39.75 km2 (15.35 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 543,445 | |
• Kapal | 14,000/km2 (35,000/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 138,331 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod | |
• Antas ng kahirapan | 1.70% (2021)[2] | |
• Kita | ₱5,860,127,167.00 (2020) | |
• Aset | ₱17,963,606,067.54 (2022) | |
• Pananagutan | ₱3,213,721,567.00 (2020) | |
• Paggasta | ₱4,514,367,299.00 (2020) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
Kodigong Pangsulat | 1770–1777, 1780, 1799 | |
PSGC | 1380800000 | |
Kodigong pantawag | 02 | |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima | |
Mga wika | wikang Tagalog | |
Websayt | muntinlupacity.gov.ph |
Tanyag ang Muntinlupa bilang lungsod na kung saan matatagpuan ang National Bilibid Prison, ang pambansang bilangguan na kung saan ikinukulong ang mga mapapanganib na taong nakagawa ng sala ng bansa, kaya naman matagal rin na naging singkahulugan ng Muntinlupa o Munti ang salitang bilangguan.
Kasaysayan
baguhinNagsimula ang Muntinlupa bilang isang lupain na napasailalim sa pangangalaga ng Datu Tunasan 1601. nakakatiyak kung alin ang tama dahil sa kakulangan ng talaan o kasulatan tungkol dito. May isang panig na inu-ugnay ang pangalan nito sa manipis na luwad na matatagpuan sa pook. Mayroon namang iba na nanatiling may kaugnayan ito sa hugis ng lupain kaya't ang salitang "Hunasan", bundok sa wikang Kastila, ay isinalin sa Muntinlupa na ang ibig sabihin ay bulubunduking lupa. Mayroon din nagsasabing nagsimula ang pangalan "Tunasan" dahil sa mga Lupang nasasakupan neto. at malakas na empluwensya sa mga taga roon, ang mga sagot ng mga naninirahan nang tanungin sila ng mga Kastila kung ano ang pangalan ng lugar sa pagaakalang ang pangalan ng kanilang nilalaro ang siyang tinatanong.
Naitala ni Datu tunasan, isang dating namamahala, ang pangalan ng pook bilang La Poblacion Que Sigue Se Llama Muntinlupa nuong kaagahan ng ika-19 na dantaon. Ang barangay Poblacion lamang ang itinuturing na Muntinlupa nuong sinauna ngunit upang mapamahalaang mabuti ng mga Kastila ang lupain ay ipinailalim rin nila rito ang mga karatig na pook ng Alabang, Sucat, Tunasan at Cupang noong taong-1869.
Naging bahagi ng Morong, Rizal ang Muntinlupa noong 1901 at panandaliang naging bahagi ng bayan ng Biñan, Laguna noong 1903. Nagsampa ng pagtutol ang mga naninirahan kaya naman binalik muli ito sa lalawigan ng Rizal at naging bahagi ng Taguig noong 1905. Naging ganap lamang ang kasarinlang bayan ng Muntinlupa noong taong 1918 sa pamamagitan ng Executive Order 108 ni Gob. Harrison.
Taong 1975 nang hiniwalay ito mula sa lalawigan ng Rizal at naging bahagi ng Kalakhang Maynila. Naging ganap na lungsod ang Muntinlupa at naging ika-65 na lungsod ng Pilipinas noong ika-1 ng Marso, 1995 sa pamamagitan ng Republic Act No. 7926[3]. Simula 2001, idinidiwang na isang Special Working Holiday sa lungsod ang ika-1 ng Marso Muntinlupa City Charter Day.
Mga makasaysayang lugar sa Muntinlupa
baguhinBureau of Corrections Administration Building (Gusaling Pangasiwaan ng Kawanihan ng mga Bilangguan) - Ito ang harapang gusali ng bilangguan na itinayo noong 1941 at nagsisilbi ngayong pangasiwaan ng tanggapan. Ito rin ang nakilalang Bilibid sa 'telebisyon' at 'pelikula' bagama't sa kanlurang bahagi pa ng gusaling ito matatagpuan ang pinaka-mahigpit na piitan na binubuo ng 12 gusali na kung tawagin ay mga brigada.
Lawa ng Jamboree - Ito ang pinaka-maliit na likas na lawa ng bansa. Hilig itong tambayan ng mga taong nais magpalamig o magmasid sa kalikasan.
Memorial Hill - Isa itong maliit na burol sa loob ng 'reserbasyong' Bilibid na kung saan matatagpuan ang isang lumang 'kanyon' ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Dito rin sa burol na ito nakalibing ang tanyag na tagapangasiwa ng Bilangguan noong 1937 hanggang 1949 na si Eriberto Misa.
Director's Quarters (Tahanan ng Direktor) - Ito ang 'opisyal' na tahanan ng tagapangasiwa ng Bilibid na itinayong kasabay ng gusaling pangasiwaan noong 1941. Mamamalas sa mahusay na pagkakagawa nito ang ambag ng 'arkitektura' ng panahong bago mag-digmaan at siyang nagbibigay-katangian sa malaking gusaling ito.
Japanese Garden Cemetery (Himlayang Halamanan ng mga Hapon) - sa halamanan na ito nakalibing si punong hukbo Tomoyuki Yamashita na naging tanyag noong pananakop ng mga Hapon sa bansa.
Mga larawan
baguhin-
Palaisdaan ng Bayanan
-
Kuha mula sa himpapawid
Mga sanggunian
baguhin- ↑
"Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippine Republic Act No. 7926". Chan Robles Virtual Law Library. Nakuha noong 11 Dis 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing na palabas
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.