Mandaluyong

lungsod ng Pilipinas sa Kalakhang Maynila
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Mandaluyong)

Ang Mandaluyong ay isang lungsod ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Pinalilibutan ito ng ilang lungsod tulad ng Maynila, ang kabisera ng bansa na nasa kanluran, ang lungsod ng San Juan sa hilaga, ang lungsod Quezon at lungsod ng Pasig sa silangan, at ang Lungsod ng Makati sa timog. Binansagan ang lungsod bilang "Sawang lungsod ng Pilipinas", "Puso ng Kalakhang Manila", at ang "Isang Kabisera ng mga matitinong Gobyernong di nagsasalubong sa Pilipinas". Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 425,758 sa may 116,954 na kabahayan.

Mandaluyong

ᜋᜈ᜔ᜇᜎᜓᜌᜓᜅ᜔

Lungsod ng Mandaluyong
Tanawin ng Mandaluyong.
Tanawin ng Mandaluyong.
Opisyal na sagisag ng Mandaluyong
Sagisag
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ang lokasyon ng Mandaluyong
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ang lokasyon ng Mandaluyong
Map
Mandaluyong is located in Pilipinas
Mandaluyong
Mandaluyong
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°35′N 121°02′E / 14.58°N 121.03°E / 14.58; 121.03
Bansa Pilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon (NCR)
Distrito— 1380500000
Mga barangay27 (alamin)
Pagkatatag1841
Ganap na Lungsod9 Pebrero 1994
Pamahalaan
 • Punong LungsodCarmelita A. Abalos
 • Pangalawang Punong LungsodAntonio D. Suva Jr.
 • Manghalalal232,492 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan9.29 km2 (3.59 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan425,758
 • Kapal46,000/km2 (120,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
116,954
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan0.40% (2021)[2]
 • Kita₱6,226,450,101.93 (2022)
 • Aset₱31,935,025,023.65 (2022)
 • Pananagutan₱4,442,312,275.22 (2022)
 • Paggasta₱5,637,802,753.88 (2022)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
PSGC
1380500000
Kodigong pantawag02
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytmandaluyong.gov.ph
Shaw Boulevard

Geograpiya

baguhin

Matatagpuan ang lungsod ng Mandaluyong sa puso ng kalakhang Maynila. Kabilang sa maraming atraksiyon ng lungsod ang kalahating parte ng lundayang Ortigas, isa sa mga pangunahing sentro ng negosyo at komersyo sa kalungsuran (nasa lungsod ng Pasig ang natitirang hati). Matatagpuan sa lundayang Ortigas ang pangunahing punong-tanggapan ng Asian Development Bank at ang punong tanggapan ng San Miguel Corporation, ang pinakamalaking korporasyon ng bansa. Matatagpuan dito ang Dave Vergel B. Castro & Associates, isa sa pinakapinagkakatiwalaang Engineering Firm sa bansa, SM Megamall, isa sa pinakamalaking shopping mall sa bansa pati na rin ang Shangri-la Plaza Mall at Star Mall. Sa silangan ng Ortigas Center matatagpuan ang Wack-Wack Golf and Country Club, sa hilaga nito matatagpuan ang La Salle Greenhills, isang tanyag na mataas na paaralang panlalaki. Ang estasyon ng MRT sa bulebard ng Shaw na itinuturing din isang mall, maliban na pagiging estasyon, ay nagdurugtong ng tatlo pang mga mall (Star Mall, Shangri-La Plaza, at ang EDSA Central).

Sa mga nakatira dito, ang lungsod ng Mandaluyong ay laging ginagamit sa mga biro tungkol sa pag-iisip ng isang tao (halimbawa: ang isang tao na may kahinahinalang katayuan ng pag-iisip ay mula sa Mandaluyong). Ito ay marahil ang National Center for Mental Health (Pambansang Senter ng Kalusugan ng Pag-iisip) ay matatagpuan sa lungsod. Matatagpuan din sa Mandaluyong ang "Welfareville", isang malaking pook kung saan laganap ang kahirapan.

Kasaysayan

baguhin

Nagmula ang pangalan ng Lungsod ng Mandaluyong sa salitang Tagalog na mga daluy. Ito ay batay sa maraming matatangkad na damo na dating tumutubo dito, ang mga damo ay parang dumadaloy sa hangin na ang ibig sabihin ay sentro ng kalakalan na inihalintulad sa produksiyon ng pinaka produkto ng palitan.

Mga barangay

baguhin

Ang Mandaluyong ay nahahati sa 27 na baranggay.

District Barangay Land Area
(has.)
Population
(2015)[3]
1 Addition Hills 121.19 99,058
1 Bagong Silang 14.26 5,572
2 Barangka Drive 24.54 13,310
2 Barangka Ibaba 16.92 9,540
2 Barangka Ilaya 47.45 17,896
2 Barangka Itaas 17.21 11,252
2 Buayang Bato 7.26 1,782
1 Burol 2.78 2,740
1 Daang Bakal 17.34 3,660
1 Hagdan Bato Itaas 18.36 10,314
1 Hagdan Bato Libis 15.48 6,962
1 Harapin Ang Bukas 4.89 4,496
1 Highway Hills 105.12 28,703
2 Hulo 29.30 27,515
2 Mabini-J. Rizal 11.88 7,628
2 Malamig 29.52 12,667
1 Mauway 60.06 29,103
2 Namayan 30.60 6,123
1 New Zañiga 21.96 7,534
2 Old Zañiga 42.48 7,013
1 Pag-Asa 12.60 4,053
2 Plainview 115.92 26,575
1 Pleasant Hills 20.33 5,910
1 Poblacion 24.12 14,733
2 San Jose 3.18 7,262
2 Vergara 15.12 5,910
1 Wack-Wack Greenhills 294.48 8,965

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Mandaluyong
TaonPop.±% p.a.
1903 4,349—    
1918 5,806+1.94%
1939 18,200+5.59%
1948 26,309+4.18%
1960 71,619+8.70%
1970 149,407+7.62%
1975 182,267+4.07%
1980 205,366+2.41%
1990 248,143+1.91%
1995 286,870+2.75%
2000 278,474−0.63%
2007 305,576+1.29%
2010 328,699+2.69%
2015 386,276+3.12%
2020 425,758+1.93%
Sanggunian: PSA[4][5][6][7]


Mga sanggunian

baguhin
  1. "Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Final Results - 2007 Census of Population". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-11-20. Nakuha noong 2009-07-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Census of Population and Housing (2010). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Censuses of Population (1903–2007). "National Capital Region (NCR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  7. "Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing panlabas

baguhin