Labanan sa Maynila (1945)

1945 labanan sa Pacific theater ng World War II

Ang Labanan sa Maynila (Ingles: Battle of Manila) ay isang labanan na bahagi ng Digmaang Pasipiko at Ikalawang Digmaang Pandaigdig na naganap sa Maynila sa pagitan ng pinagsamang tropang Pilipino at Amerikano at Imperyo ng Hapon. Maraming mga sibilyan ang Pinaslang ng mga Hapon sa kalagitnaan ng labanan. Tinapos ng labanan ang tatlong taong pananatili ng mga Hapon sa Pilipinas (1942–1945).

Labanan sa Maynila
Bahagi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Digmaang Pasipiko

Aerial view ng Intramuros noong Mayo 1945
Petsa3 Pebrero – 3 Marso 1945
Lookasyon
Resulta

Tagumpay ng mga Allies

  • Pagtatapos ng pananakop ng mga Hapones
  • Naibalik ang Komonwelt ng Pilipinas
Mga nakipagdigma
Estados Unidos Estados Unidos
Pilipinas Komonwelt ng Pilipinas
Imperyo ng Hapon Imperyo ng Hapon
Mga kumander at pinuno
Estados Unidos Oscar Griswold
Estados Unidos Robert S. Beightler
Estados Unidos Verne D. Mudge
Estados Unidos Joseph M. Swing
Pilipinas Alfredo M. Santos
Imperyo ng Hapon Iwabuchi Sanji
Lakas
35,000 sundalong Amerikano
3,000 Pilipinong gerilya
12,500 na Mandaragat at Marino
4,500 na Sundalo
Mga nasawi at pinsala
1,010 namatay
5,565 sugatan
mahigit 100,000 sibilyan ang napaslang
16,665 namatay (nabilang na mga patay)

Background

baguhin

Noong 9 Enero taong 1945, dumating sa Golpo ng Lingayen ang Sixth U.S. Army sa ilalim ni Lt. Gen. Walter Krueger at sinimulan ang pag-atake sa katimugang bahagi ng Luzon. Noong 12 Enero, inutos ni MacArthur si Krueger na umabante patungong Maynila.

Pagkatapos dumating sa San Fabian noong 27 Enero, ang 1st Cavalry Division sa pamumuno ni Maj. Gen. Vernon D. Mudge ay inutusan ni MacArthur noong 31 Enero na "Get to Manila! Free the internees at Santo Tomas. Take Malacañang and the Legislative Building."

Noong 31 Enero, ang Eighth United States Army ni Lt. Gen. Robert L. Eichelberger ay dumating sa Nasugbu sa timog Luzon at nagsimulang umabante patungong Maynila.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.