Si Kate Elizabeth Winslet CBE /ˈwɪnzlət/ [2] ay ipinanganak noong Oktubre 5, 1975. sya ay isang artistang Ingles. [3] Kilala sa kanyang mga pagganap sa mga independiyenteng pelikula, partikular na sa mga peryodong drama, at para sa kanyang mga pagganap nya bilang matigas ang ulo at kumplikadong babae, nakatanggap siya ng maraming mga parangal, kabilang ang isang Academy Award, isang Grammy Award, dalawang Primetime Emmy Awards, limang BAFTA Awards at limang Golden Globe Awards. Pinangalanan ng Time magazine si Winslet na isa sa 100 pinaka-maimpluwensyang tao sa mundo noong 2009 at 2021. Siya ay hinirang na Commander ng Order of the British Empire (CBE) noong 2012.

Kate Winslet

A photograph of Kate Winslet at the Toronto International Film Festival in 2017
Winslet in 2017
Kapanganakan
Kate Elizabeth Winslet

(1975-10-05) 5 Oktubre 1975 (edad 49)
Reading, Berkshire, England
EdukasyonRedroofs Theatre School
TrabahoActress
Aktibong taon1991–present
OrganisasyonGolden Hat Foundation
Mga gawaFull list
Asawa
Anak3, including Mia Threapleton
ParangalFull list

Nag-aral si Winslet ng drama sa Redroofs Theater School. Ang kanyang unang paglabas sa pelikula, sa edad na 15, ay sa British na pang-telebisyong serye na Dark Season (1991). Ginawa niya ang kanyang unang pelikula bilang isang kabataan na mamamatay-tao sa Heavenly Creatures (1994), at nagpatuloy upang manalo ng BAFTA Award para sa kanyang pagganap na Marianne Dashwood sa Sense and Sensibility (1995). Naging sikat sya sa buong mundo dahil sa kanyang pagganap bilang pangunahing karakter sa epic romance ni James Cameron na Titanic (1997), na siyang may pinakamataas na kita sa takilya noong panahong iyon. Sa halip na pumili ng mga ng papel sa mga malalaking proyektong kumikita ng malaki, Si Winslet ay nagpasyang iwasan ang mga ito at mas pinili ang mga pelikulang kinikilalala ng mga kritiko, lalo na ang mga pang-kasaysayan, kabilang na rito ang ang Quills (2000) at Iris (2001).

Mga tala

baguhin
  1. Smith was legally known as Ned Rocknroll from 2008 to 2019.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang uproxx); $2
  2. As pronounced by Winslet in the following:
  3. Lusher, Adam (7 Disyembre 2015). "Kate Winslet claims that being English is a one-way ticket to a Hollywood acting career". The Independent. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Setyembre 2021. Nakuha noong 26 Setyembre 2021. When you are an English actor and you go into another country," she said, "They automatically assume you are fully trained … Which I've played on, believe me.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)