Ang kanibalismo (mula sa Caníbales na pangalang Kastila para sa mga taong Carib[1] na isang tribo ng Kanlurang Kaindiyahan (West Indies) na dating kilala sa pagsasanay ng kanibalismo)[2] ang akto o kasanayan ng pagkain ng mga tao ng laman o lamang loob ng ibang mga tao. Ito ay tinatawag na antropopagiya (anthropophagy). Ang isang taong nagsasanay ng kanibalismo ay tinatawag na isang kanibal. Ang ekspresyong "kanibalismo" ay pinalawig sa soolohiya upang pakahulugang isang indibidwal ng isang espesye na pagkain ng lahat o bahagi ng isa pang indibidwal ng parehong espesye bilang pagkain kabilang ang seksuwal na kanibalismo. Ang kanibalismo ay malawak na isinagawa ng mga tao sa nakaraang panahon sa maraming mga bahagi ng mundo. Ito ay nagpatuloy hanggang sa ika-19 na siglo sa ilang mga hiwalay na kulturang Timog Pasipiko at sa kasalukuyang panahon sa mga bahagi ng tropikal na Aprika. Sa ilang mga kaso sa insular na Melanesia, ang katutubong mga pamilihan ng laman ng tao ay umiiral.[3] Ang Fiji ay minsang nakilala bilang 'Cannibal Isles'.[4] Ang kanibalismo ay mahusay na nadokumento sa buong mundo mula sa Fiji hanggang sa Lunas ng Amason at mula sa Congo hanggang sa New Zealand na Māori.[5] Ang mga Neanderthal ay pinaniniwalaan na nagsanay ng kanibalismo [6][7] at ang mga Neanderthal ay maaring kinain ng mga anatomikal na modernong tao.[8]

Woodcut showing 12 people holding various human body parts carousing around an open bonfire where human body parts, suspended on a sling, are cooking.
Kanibalismo sa Brazil. Isang paglililok ni Theodor de Bry para sa salaysay ni Hans Staden ng kanyang pagkakabihag noong 1557.

Mga dahilan

baguhin
 
Isang pistang kanibal sa Tanna, Vanuatu, c. 1885-9
 
Kanibalismo noong taggutom sa Rusya noong 1921.

Sa ilang mga lipunan lalo na sa mga lipunang pangtribo, ang kanibalismo ay isang norm na kultural o pamantayang pangkultura. Ang pagkain ng isang tao sa loob ng isang parehong pamayanan ay tinatawag na endokanibalismo. Ang isang ritwal na kanibalismo ng kamakailang namatay na tao ay maaaring bahagi ng proseso ng pamimighati[9] o isang paraan ng paggabay ng mga kaluluwa ng namatay tungo sa mga katawan ng nabubuhay nitong mga inapo.[10] Ang eksokanibalismo ang pagkain ng isang tao mula sa labas ng kanyang pamayanan na karaniwan ay bilang pagdiriwang ng pagwawagi laban sa katunggaling tribo.[10] Ang parehong mga uri ng kanibalismong ito ay maaring matulak ng paniniwalang ang pagkain ng laman o lamang loob ng isang tao ay magkakaloob sa kanibal ng ilang mga katangian ng namatay.[11] Ang isang kilalang kaso ng ritwalistikong kanibalismo ang sinanay ng tribong Fore sa Papua New Ginea ng pagkain ng utak ng kanilang mga namatay na kamag-anak bilang tanda ng paggalang at pamimihagti. Ang kanibalismong ito ay nagresulta sa pagkalat ng sakit na Kuru na pumatay ng mga 2500 katao ng Papua New Guinea bago itigil ang pagsasanay na ito noong mga 1950 ngunit hindi bago ang pag-ebolb ng resistansiya laban sa kuru sa mga taong nakaligtas sa pagkain ng mga utak ng kanilang namatay.[12]

Sa ilang mga lipunan, ang kanibalismo ay hindi norm ng kultura nito ngunit minsang isinasagawa sa mga sitwasyong sukdulang pangangailangan gaya ng taggutom gaya ng nangyari sa ekspedisyon ng partidong Donner at sa pagbagsak ng Uruguayan Air Force Flight 571. Ang gayong mga kaso ay kinasasangkutan ng nekro-kanibalismo na pagkain ng bangkay ng taong namatay na bilang salungat sa homisidal na kanibal na pagpatay ng isang tao para kainin. Sa batas ng Inglatera, ang huli ay palaging itinuturing na krimen kahit sa mga napakahirap na sirkunstansiya. Maraming mga halimbawa ng mga mamamtay-tao na kumain ng kanilang mga biktima na kadalasan ay nakakakuha ng isang satispaksiyong seksuwal mula sa akto ng kanibalismo gaya nina Albert Fish, Issei Sagawa at Jeffrey Dahmer. Ang mga indibidwal na ito ay karaniwang itinuturing na mga may sakit sa pag-iisip bagaman ang kompulsiyon na kumain ng laman ng tao ay hindi pormal na nakatala sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders (DSM). Ang mga kaso ng autopahiya o kanibalismo sa sarili ay iniulat rin.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Cannibalism Definition". Dictionary.com.
  2. "Cannibalism (human behaviour)", Encyclopædia Britannica.
  3. From primitive to post-colonial in Melanesia and anthropology. Bruce M. Knauft (1999). University of Michigan Press. p. 104. ISBN 0-472-06687-0
  4. Peggy Reeves Sanday. "Divine hunger: cannibalism as a cultural system".
  5. Rubinstein, W. D. (2004). Genocide: a history. Pearson Education. pp. 17–18. ISBN 0-582-50601-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Culotta, E. (1 Oktubre 1999). "Neanderthals Were Cannibals, Bones Show". Science. Sciencemag.org. 286 (5437): 18b. doi:10.1126/science.286.5437.18b. Nakuha noong 30 Agosto 2009. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Gibbons, A. (1 Agosto 1997). "Archaeologists Rediscover Cannibals". Science. Sciencemag.org. 277 (5326): 635–7. doi:10.1126/science.277.5326.635. PMID 9254427. Nakuha noong 30 Agosto 2009. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. McKie, Robin (17 Mayo 2009). "How Neanderthals met a grisly fate: devoured by humans". The Observer. London. Nakuha noong 18 Mayo 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Woznicki, Andrew N. (1998). "Endocannibalism of the Yanomami". The Summit Times. 6 (18–19).{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 Dow, James W. "Cannibalism". Sa Tenenbaum, Barbara A. (pat.). Encyclopedia of Latin American History and Culture – Volume 1. New York: Charles Scribner's Sons. pp. 535–537. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-07. Nakuha noong 2013-05-16.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Goldman, Laurence, pat. (1999). The Anthropology of Cannibalism. Greenwood Publishing Group. p. 16. ISBN 0-89789-596-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. http://www.newscientist.com/article/dn18172-gene-change-in-cannibals-reveals-evolution-in-action.html