Henry L. Stimson
Si Henry Lewis Stimson (21 Setyembre 1867 – 20 Oktubre 1950) ay isang politiko at abogado na kasapi ng Partidong Republikano ng Estados Unidos. Siya ay nagsilbing Kalihim ng Digmaan (1911–1913) sa ilalim ng Republikanong Pangulong si William Howard Taft at bilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas (1927–1929). Bilang Kalihim ng Estado (1929–1933) sa ilalim ng Republikanong Pangulong Herbert Hoover, kanyang inihayag Doktrinang Stimson na naghayayag ng pagsalungat sa pagpapalawig ng Hapon sa Asya. Siya ay muling nagsilbing Kalihim ng Digmaan (1940–1945) sa ilalim ng Democrat na Pangulong Franklin D. Roosevelt at nanguna sa pagtawag ng digmaan sa Alemanya. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinangasiwaan niya ang pag-eensayo ng 13 milyong sundalo, ang paggugol ng ikatlo ng GDP ng Estados Unidos sa Hukbo at Hukbong panghimpapawid, pagbuo ng stratehiyang pangmilitar at pangangasiwa sa pagtatatyo at paggamit ng bombang atomiko.
Henry L. Stimson | |
---|---|
45th United States Secretary of War | |
Nasa puwesto 22 Mayo 1911 – 4 Marso 1913 | |
Pangulo | William Howard Taft |
Diputado | Robert Shaw Oliver |
Nakaraang sinundan | Jacob M. Dickinson |
Sinundan ni | Lindley M. Garrison |
Governor-General of the Philippines | |
Nasa puwesto 27 Disyembre 1927 – 23 Pebrero 1929 | |
Appointed by | Calvin Coolidge |
Diputado | Eugene Allen Gilmore |
Nakaraang sinundan | Leonard Wood (umaakto) |
Sinundan ni | Eugene Allen Gilmore (umaakto) |
ika-46 na Kalihim ng Estado ng Estados Unidos | |
Nasa puwesto 28 Marso 1929 – 4 Marso 1933 | |
Pangulo | Herbert Hoover |
Diputado | Joseph P. Cotton (1929–1931) William R. Castle, Jr. (1931–1933) |
Nakaraang sinundan | Frank B. Kellogg |
Sinundan ni | Cordell Hull |
ika-54 na Kalihim ng Digmaan ng Estados Unidos | |
Nasa puwesto 10 Hulyo 1940 – 21 Setyembre 1945 | |
Pangulo | Franklin D. Roosevelt Harry S. Truman |
Diputado | Robert P. Patterson (1940) John J. McCloy (1941–1945) |
Nakaraang sinundan | Harry Hines Woodring |
Sinundan ni | Robert P. Patterson |
Personal na detalye | |
Isinilang | Henry Lewis Stimson 21 Setyembre 1867 New York City |
Yumao | 20 Oktobre 1950 Long Island, New York | (edad 83)
Partidong pampolitika | Republican |
Asawa | Mabel Wellington White Stimson |
Alma mater | Yale College Harvard Law School |
Propesyon | Lawyer, Diplomat, Administrator |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan | United States |
Sangay/Serbisyo | Army |
Ranggo | Colonel |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.