Ang komputasyong grapiko ay mga imahe na nilikha sa pamamagitan ng komputadora. Kasama sa mga imaheng ito ang mga diyagrama, animasyon ng kartun (pagpapagalaw ng guhit-larawan) at mga mukhang totoong mga litrato. Ang proseso ng pagguhit, pagkulay, pagmanipula ng mga litrato sa komputadora ay maaari na ring tawagin bilang komputasyong grapiko. Ang komputadorang grapiko ay nagagawa nitong makatulong sa paglikom, pagpapakita, at pagintindi ng mga impormasyong ng mas madali at mas mabisa. Ang komputadora grapika ay ay kayang mag pakita ng mga larawan ng mga bagay at mga proseso na hindi maaaring makita ng normal na kaparaanan, tulad ng sa loob ng isang molekula o kung ano ang nangyayari sa loob ng isang itim na butas.

Ang grapika komputasyon ay may maraming pinagagamitan sa iba't ibang larangan. Ang mga negosyo ay umaayon sa takbo ng benta na kinakailangan ng mga tsart at mga graps na gawa ng mga komputadora. Ang grapika komputasyon ay nakatutulong rin sa mga enhinyero upang makalikha at masubukan ang kanilang mga disenyo tulad ng mga kotse at mga eroplano. Sa pamamagitan rin ng grapika komputasyon, ang mga arkitekto ay maaari nilang makita ang mga ginawang mga disenyo ng mga gusali kasama na ang mga sukat sa iba't ibang anggulo. Ang mga siyentipiko rin ay gumagamit ng grapika komputasyon para idisenyo ang mga molekula ng gamot, para makita ang takbo ng panahon, at upang subukan ang kanilang mga teoriya kung paano nabuo ang kalawakan. Ang mga duktor naman ay gumagamit rin ng mga imahe mula sa komputadora upang makita ang mga tumor o iba pang problema sa loob ng katawan ng tao upang maplano ang tamang paraan nang paggagamot nito. Ang grapika komputasyon din ay ginagamit s larangan ng sining, sa paggagawa ng mga kartun, mga epektong natatangi o espesyal sa mga pelikula at pati na rin sa mga larong bidyo.

Mga sanggunian

baguhin

https://www.graphics.cornell.edu/about/what-computer-graphics   Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.