Alpabetong Filipino
Ang makabagong alpabetong Filipino (o mas kilalá bílang alpabetong Filipino) ay ang alpabeto ng wikang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas at isa sa mga opisyal na wika ng bansa kasáma ang Ingles. Ang modernong alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik kabílang ang 26 titik ng payak ng alpabetong Latino ng ISO, ang Ññ ng wikang Kastila at ang NGng wikang Tagalog. Ito ay isang wikang Awstronesyo. Sa ngayon, ang makabagong alpabetong Filipino ay maaaring gamítin bílang alpabeto ng mga katutubong wika sa Pilipinas kasáma na ang wikang Tsabakano, isang kreyol gáling sa wikang Kastila.
Noong taong 2014, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay naglabas ng bagong patnubay para sa ortograpiya na sasagot sa mga dáting suliranin ukol sa kung papaano ikakatawan ang mga tunog sa mga pilîng wika at diyalekto sa Pilipinas.
Noong Agosto 2007, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay nagpalabas ng dokumento tungkol sa palabaybayan ng wikang Filipino, na maaaring bigyan ng komento.[1] Ito ay hango sa paggamit ng mga titik ng alpabetong Filipino, at ang mga radikal na rebisyon na isinagawa noong taóng 2001.
Noong Mayo 2008, inilabas ang KWF ang pinal na borador ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. Itinakwil nito ang mga radikal na rebisyon ng 2001 at mas binigyang-halaga ang status quo, bagaman kinokodipika o ginagawa nang opisyal ang ilang mga aspekto nito.
Ang mga titik ay kumakatawan sa isang tunog na pasalita. Ito ay binubuo ng mga patínig o bokáblo at mga katínig o konsonánte. Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 na titik na may katawagan sa tulad sa wikang Ingles, maliban sa Ññ /enje/.
Títik | Katawagán | Tunóg sa IPA | Talâ |
---|---|---|---|
Aa | ey | /a/ | |
Bb | bi | /b/ | kadalasang maihahantulad sa v |
Cc | si | /k/, /s/ | gamit sa mga hiram na salita mula Kastila |
Dd | di | /d/ | |
Ee | i | /e/, /i/ | binibigkas nang tunog-schwa kung lálagyán ng patuldok (ë) tulad ng sa Wikang Mëranaw |
Ff | ef | /f/, /p/ | kadalasang maihahantulad sa p |
Gg | dyi | /g/ | |
Hh | eyts | /h/ | |
Ii | ay | /i/, /e/ | |
Jj | dyey | /dʒ/, /h/ | gamit sa mga hiram na salita mula Ingles tulad ng arkiyoloji, Arabe tulad ng masjid |
Kk | key | /k/ | |
Ll | el | /l/ | |
Mm | em | /m/ | |
Nn | en | /n/ | |
Ññ | enye | /ɲ/ | |
NGng | endyi | /ŋ/ | |
Oo | o | /o/, /u/ | |
Pp | pi | /p/ | kadalasang maihahantulad sa f |
kyu | /k/ | gamit sa mga hiram na salita mula Kastila | |
Rr | ar | /ɾ/ | |
Ss | es | /s/ | kadalasang maihahantulad sa z |
Tt | ti | /t/ | |
Uu | yu | /u/, /o/ | |
Vv | vi | /v/, /b/ | kadalasang maihahantulad sa b, gamit sa mga hiram na salita mula sa Ingles tulas ng virtyu, ginagamit sa wikang Ibanag |
Ww | dobolyu | /w/ | |
Xx | eks | /ks/ | |
Yy | way | /j/ | |
Zz | zi | /z/, /s/ | kadalasang maihahantulad sa s |
Katínig
baguhinAng ABAKADA o ang lumang alpabeto ng mga unang bahagi ng ika-20 siglo ay may mas kaunting katinig. Sa kalagitnaan ng siglong ito ay nadagdagan at kalayunang nabawasan. Sa paglabas ng Ortograpiyang Pambansa noong 2014, ang dáting 8 titik na hindi pa naidagdag ay sa ngayong pinangalanang opisyal. Ito ay ang mga C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Ito ay isang malaking hakbang na idagdag ang mga titik na ito upang gawing modernisado ang sistemang panulat na ito at upang mapangalagaan ang mga katutubong wika sa Pilipinas. Ang mga titik na F, J, V, at Z ay napakaimportante dahil ang mga tunog na ito ay matatagpuan sa mga wika tulad ng Ifugaw at Ivatan.
Ito ang mga halimbawa ng mga bagong titik:
Salita | Wika | Ibig-sabihin |
---|---|---|
alifuffug | Itawes | ipuipu |
safot | Ibaloy | sapot ng gagamba |
falendag | Tinuray | plawtang pambibig na may nakaipit na dahon sa ihipan |
feyu | Kalinga | pipa na yari sa bukawe o sa tambo |
jambangán | Tausug | halaman |
masjid | Tausug, Mëranaw from Arabic | tawag sa gusaling sambahan ng mga Muslim |
julúp | Tausug | masamáng ugali |
avid | Ivatan | kagandahan |
vakul | Ivatan | pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bílang pananggalang sa ulan at init ng araw. |
kuvat | Ibaloy | digma |
vuyu | Ibanag | bulalakaw |
vulan | Ibanag | buwan |
kazzing | Itawes | kambing |
zigattu | Ibanag | silángan |
Bago ang panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, karamihan sa mga wika sa Pilipinas ay tatlong patínig /a/ /i/, at /u/. Maraming naidagdag nga mga salita ang mga Kastila at naidagdag ang /e/ at /o/ sa kalayunan. Bagaman, kahit sa kasalukuyan ang /i/ at /e/ at ang /u/ at /o/ ay naiipagpalit-palit.
Tuldik
baguhinMula sa paggawa ng ABAKADA, ipinakilala na ni Lope K. Santos ang mga tuldik. Ito ay ang mga Pahilis (´), Paiwà (`), at Pakupyâ (^) na nilalagay sa ibabaw ng mga patinig. Ang tuldik na pahilis (´) na sumisimbolo sa diin at/o habà, ang tuldik na paiwa (`), ay sumisimbolo sa impit na tunog at ang tuldik na pakupya (^) na sumisimbolo sa impit na tunog at diin.
Noong 2015 ang KWF ay nagpakila sa Patuldók na E, Ëë. Ito ay sumisimbolo sa tunog-schwa na matatagpuan sa maraming katutubong wika sa Pilipinas. Ang isa sa mga ito ay ang Mëranaw, na dáting binabaybay na Maranaw at Meranaw.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Komisyon sa Wikang Filipino (2007). "Ang Ortograpiya ng Wikang Pambansa" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha noong 2008-01-28.
Tingnan din
baguhinMga kawing panlabas
baguhin- Komisyon sa Wikang Filipino Naka-arkibo 2020-04-12 sa Wayback Machine. opisyal na websayt
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.