Abenida Andres Bonifacio

(Idinirekta mula sa Abenida Bonifacio)

Ang Abenida Andres Bonifacio (Ingles: Andres Bonifacio Avenue), na kilala rin bilang Abenida A. Bonifacio (A. Bonifacio Avenue) ay isang pangunahing daan sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila. Nag-uugnay ito mula Daang Blumentritt sa Maynila hanggang North Luzon Expressway (NLEX) sa Palitan ng Balintawak sa Lungsod Quezon (ang sangandaan ng Abenida Bonifacio, NLEX, EDSA, at Lansangang Quirino). May haba ito na 3.784 kilometro o 2.351 milya. Bahagi ito ng Daang Radyal Blg. 8 (R-8) ng sistemang pamilang ng mga lansangan sa Kalakhang Maynila, at ng N160 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.


Abenida Bonifacio
Bonifacio Avenue
A. Bonifacio Avenue
Abenida Bonifacio sa La Loma, Lungsod Quezon, pahilaga papunta sa sangandaan nito sa Abenida Del Monte.
Impormasyon sa ruta
Haba3.784 km[1] (2.351 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga E1 / AH26 (North Luzon Expressway) sa Balintawak, Lungsod Quezon
 
Dulo sa timog N160 / N161 (Daang Blumentritt) sa Maynila
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodLungsod Quezon, Maynila
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Pangalan

baguhin

Ipinangalan ang abenida mula kay Andrés Bonifacio, Pilipinong rebolusyonaryo at "Supremo" ng Katipunan. Mula sa kanya rin ipinangalan ang iba pang mga lansangan sa Kalakhang Maynila tulad ng Daang Bonifacio sa Intramuros, Maynila at Abenida A. Bonifacio ng Marikina.

Paglalarawan ng ruta

baguhin

Nagsisimula ang daan sa Palitan ng Balintawak sa Lungsod Quezon at tutuloy hanggang sa sangandaan nito sa Abenida Del Monte at Kalye Mayon kung saang liliko ito pakaliwa at tutuloy hanggang makarating sa sangandaan nito sa Daang Blumentritt. Isang bahagi ng Ikatlong Yugto ng Metro Manila Skyway ay tatahak sa ibabaw ng bahaging Balintawak-Daang C-3 ng abenida.

Matatagpuan malapit sa Palitan ng Balintawak ang hugnayang Cloverleaf ng Ayala Land at ang gusaling pampamilihan nito na Ayala Malls Cloverleaf.

Tingnan din

baguhin

Sipian

baguhin
  1. "Road and Bridge Inventory". www.dpwh.gov.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-22. Nakuha noong Hulyo 4, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)