Aba Ginoong Maria

Isang Katolikong panalangin

Ang Ave Maria o Aba Ginoong Maria[1] ay isang dasal na nagmula sa pinag-samang bati ng Arkanghel Gabriel kay Maria sa Mabuting Balita at pagbati ni Elizabeth sa pagdating ng Birheng Maria sa kanilang pamamahay. Narito ang talata mula sa Biblia na kung saan binati ni Arkanghel Gabriel si Maria sa panaginip: Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon! (Lucas 1:28 MBB) [2] At narito naman ang talata kung saan binati ni Elizabeth si Maria Napasigaw siya sa galak, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan!” (Lucas 1:42 MBB) [3] Bahagi rin ang dasal na ito ng pagrorosaryo.[4]

Sa mga Katoliko, ito rin ang tawag sa isang panalangin. Ito ay ang sumusunod na mga linya[1]:

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Landsnes, David G. (para sa “Aba Ginoong Maria sa 404 na mga wika” ng Ordine Equestro del San Sepolcro di Gerusalemme, Milano, 1931), Aquinas Duffy (para sa Aba Ginoong Maria at Luwalhati), at Wolfgang Kuhl (para sa Tanda ng Krus, Aba Po Santa Mariang Hari at Sumasampalataya Ako). Mga Dasal na nasa Wikang Tagalog, Tagalog (Filipino, Pilipino), Christus Rex, Inc., christusrex.org, kinuha noong Pebrero 26, 2008
  2. Magandang Balita Biblia, Philippine Bible Society ©2012
  3. Magandang Balita Biblia, © Philippine Bible Society 2012
  4. "Maliit na Dasalan ng Pagrorosaryo". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-26. Nakuha noong 2008-02-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.