Katakataka
Ang katakataka (Kalanchoe pinnata) ay isang uri ng halaman. Ito ay tinawag na Katakataka sapagkat kapag ang dahon ay nalagas sa tangkay, ang dahon ay muling uusbungan ng panibagong dahon at mabubuhay muli.
Katakataka | |
---|---|
Pagpaparami ng Katakataka sa pamamagitan ng kanyang dahon. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Orden: | Saxifragales |
Pamilya: | Crassulaceae |
Sari: | Kalanchoe |
Espesye: | K. pinnata
|
Pangalang binomial | |
Kalanchoe pinnata | |
Kasingkahulugan [1] | |
|
Isa itong halamang makatas na katutubo sa Madagascar. Ito ay isang popular na halamang-bahay at naging naturalisado na sa tropiko at subtropikong mga lugar. Ipinagkakaiba ang espesye na ito sa maliliit na mga halaman na nabuo sa gilid ng mga dahon nito, isang katangian na mayroon sa ibang kasapi ng Bryophyllum (kasapi na ngayon sa Kalanchoe).[2]
Isa itong makatas na pamapalagiang halaman na nasa 1 m (39 pul) ang taas, na may matabang silindrikong mga tangkay at batang paglaki ng isang mapula-pulang bahid, na maaring matagpuan sa bulaklak sa buong taon.[3]
Distribusyon
baguhinKatutubo ang Kalanchoe pinnata sa Madagascar.[4] at naging naturalisado sa mga lugar na tropiko at subtropiko, na lumalago sa mainit-init at katamtamang mga klima mula antas ng dagat hanggang sa 2,600 m (8,500 tal), na inookupa ang mga lugar sa bato sa palaging luntiang tropiko at tuyong gubat na naglalagas ng dahon, gayon din sa mga gubat na mabundok. Matatagpuan ito sa mga bahagi ng Asya, Aprika, Australya, Bagong Silandiya, ang Kanlurang Indiyas, Bermuda, Makaronesya, Mascareñas, Brasil, Suriname, ang Kapuluang Galapagos, Melanesya, Polinesya, at Hawaii.[2][5] Sa maraming mga ito, tulad ng sa Hawaii, tinuturing ito bilang isang espesyeng nanlulusob o invasive species.[6] Karamihan sa dahilan sa malawakang naturalisasyon ng halamang ito ay maaring ibakas sa popularidad nito bilang halamang pang-hardin.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "The Plant List: A Working List of All Plant Species". Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Enero 2016. Nakuha noong 12 Enero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Kalanchoe pinnata (Lam.) Pers". Plants of the World Online (sa wikang Ingles). Kew Science. Nakuha noong 2020-10-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ali Esmail Al Snafi, " The Chemical Constituents and Pharmacological Effects of Bryophyllum calycinum. A review , International Journal of Pharma Sciences and Research (IJPSR), vol. 4, n o 12,2013 (sa Ingles)
- ↑ "Kalanchoe pinnata". Germplasm Resources Information Network (GRIN). Agricultural Research Service (ARS), United States Department of Agriculture (USDA). Nakuha noong 29 Hunyo 2022.
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kalanchoe pinnata". Germplasm Resources Information Network (GRIN). Agricultural Research Service (ARS), United States Department of Agriculture (USDA). Nakuha noong 2007-10-01.
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kalanchoe pinnata". Hawaii's Most Invasive Horticultural Plants (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-11-03. Nakuha noong 2007-10-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)